Karamihan ng sugat, hindi na kailangan na nililinis pa ng alcohol o hydrogen peroxide/agua oxigenada.


Alam mo ba?

Sa karamihan ng sugat (pero hindi lahat ng klase ng sugat) hindi na kailangan na nililinis pa ng alcohol o hydrogen peroxide/agua oxigenada. May nga pag-aaral na along lang nitong pinapalala ang pinsala sa mga tissues at mas pinapatagal ang paggaling ng sugat. Ang pinakamagandang paraan para linisin ang isang sugat ay hugasan ito ng tubig at sabon sa loob ng limang minuto para masiguro matatanggal ang mga dumi at bacteria. Kapag sobrang laki at hindi tumitigil sa pagdugo ang sugat, kailangan itong dalhin sa hospital.

May ilang mga pagkakataon lang na ginagamit ang alcohol at hydrogen peroxide. Halimbawa, sa mga sugat o bukol na patuloy na dumudugo, ginagamit ang hydrogen peroxide, sa pagdress o paglalagay ng gasa sa tahi sa operasyon, gumagamit ng alcohol dahil mahirap hugasan at sabunin ito.

Ayon sa mga pag-aaral, the addition of dilute iodine or other antiseptic solutions (eg, chlorhexidine, hydrogen peroxide, sodium hypochlorite) is generally unnecessary. Such additives have minimal action against bacteria, and some, but not all, may impede wound healing.

by Doktor Doktor Lads.

No comments:

Powered by Blogger.