Dok, Bakit Kapag Tumatayo Ako Mula sa Pagkaupo, Nahihilo Ako?


Dok, Bakit Kapag Tumatayo Ako Mula sa Pagkaupo, Nahihilo Ako?
Payo ni Doktor Doktor Lads

Marami sa atin ang nakakaranas ng pagkahilo kapag sila ay tumatayo mula sa pagkakaupo. Ito ay tinatawag na orthostatic hypotension. Ito ay dahil sa naidudulot na low blood pressure dahil sa pagtayo mula sa pag-upo o paghiga. Maaaring makaramdam ng hilo o parang lumulutang ang ulo mo at ang iba ay nakakaranas ng pagkahimatay.

Maaaring mild lang ang hypotension at tumatagal lang ng ilang segundo o ilang minuto. Ito ay maaaring dulot ng dehydration o kulang sa tubig at pwede ding dahil sa matagal ka lang talagang nakaupo o nakahiga. Kapag masyadong matagal ang pagkahilo na iyong naramdaman, senyales ito ng problema sa iyong kalusugan.

Ang ilang dahilan ng matagal na pagkahilo ay problema sa puso, maaaring mayroong problema sa valves ng puso o kaya ay may heart failure. Pwede ding adrenal insufficiency o hindi sapat ang adrenal hormones na nagagawa ng katawan. Pwede ding dahil sa hypoglycemia o labis na mababang blood sugar. Pwede ding may problema sa utak ng isang tao. Pwede din na dahil ito sa benign paroxysmal positional vertigo. Kapag madalas nangyayari ang matagal na pagkahilo kapag tumatayo, kailangan kumonsulta sa doktor.

No comments:

Powered by Blogger.