First Aid Para sa Anaphylaxis o Malubhang Allergic Reaction


First Aid Para sa Anaphylaxis o Malubhang Allergic Reaction
Payo ni Doktor Doktor Lads

Ang anaphylaxis ay isang nakakamatay na allergic reaction na maaaring magdulot ng shock o biglaang pagbagsak ng blood pressure at hirap sa paghinga. Sa mga taong may allergy, maaaring magkaroon ng anaphylaxis sa loob lamang ilang minuto. Minsan maaaring maging delayed ang reaction o mas matagal bago lumabas ang mga sintomas. Ang mga kadalasang triggers ng anaphylaxis ay allergy sa gamot, pagkain tulad ng mani, isda at shellfish at sting mula sa bubuyog at iba pang insekto.

Ito ang mga dapat gawin kapag may kasama ka na nagkaroon ng anaphylaxis, pinakamainam pa rin na madala sa pinakamalapit na hospital ang pasyente:
1. Tumawag sa inyong local emergency number 
2. Tanungin ang pasyente ung mayroon itong epinephrine autoinjector tulad ng EpiPen para magamot ang allergic attack 
3. Pahigain ng nakatihaya ang pasyente. 
4. Luwagan ang mga damit na suot ng pastenye 
5. Huwag bibigyan ng anumang inumin ang pasyente 
6. Kung may suka o dugo sa bibig ng pasyente, itagilid ito upang hindi ito mabilaukan 
7. Kapag wala senyales ng paghinga o paggalaw sa pasyente, magsagawa ng CPR kung marunong o alam mo itong gawin hanggang dumating ang ambulansya at paramedics o hanggang makarating kayo sa hospital.

Mahalaga na mabigyan agad ng gamot ang pasyente na may anaphylaxis dahil ito ay maaaring makamatay.

No comments:

Powered by Blogger.