Laging Pagkain ng Instant Noodles at Pancit Canton, Masama sa Kalusugan
Laging Pagkain ng Instant Noodles at Pancit Canton, Masama sa Kalusugan
Payo ni Lass Tantengco, registered nutritionist-dietitian (Nutrisyong Pinoy)
Hindi madalas alam ng kumakain ng instant noodles na mataas ang fat, sodium at minsan sugar content ng mga instant noodles at pancit canton. Ang isang pakete ng pancit canton ay nagtataglay ng 600-900mg ng sodium. Mataas ito dahil ang recommended na sodium na dapat makain sa isang araw ay 1500mg sodium o (3/4) kulang kulang sa isang kutsaritang asin. Maraming saturated at trans fats ang mga instant noodles. Nakakapagpataas ito ng cholesterol na maaaring magdulot ng sakit sa puso at type 2 diabetes.
Ayon sa pag-aaral ng Harvard School of Public Health sa Boston, ang pagkain ng instant noodles ng at least dalawang beses sa isang linggo ay nakakapagpataas ng risk ng metabolic changes na nagdudulot ng sakit sa puso at stroke. May isang pag-aaral sa South Korea na nakitang ang mga babaeng kumakain ng instant noodles ay mas mataas ang risk na magkaroon ng metabolic sydrome. Ito ay maaaring magdulot ng high blood pressure at high blood sugar levels na maaaring mauwi sa diabetes, stroke at heart disease.
Ayon din sa pag-aaral ng isang gastrointestinal specialist sa Massachusetts General Hospital, nahihirapan ang katawan natin na idigest o gilingin ang mga instant noodles. Maraming mga instant noodles ang nagtataglay ng kemikal na tertiary-butyl hydroquinone, isang food additive na ginagamit sa petroleum industry. Matagal bago madigest ng ating bituka ang mga instant noodles.
Pwede pa namang kumain ng instant noodles o pancit canton pero siguruhin na huwag lalampas sa dalawang pakete ang kakainin sa isang linggo
No comments: