Pwede bang gumamit ng cotton mask o mask na gawa sa tela para hindi mahawa ng COVID-19 o iba pang sakit?
Pwede bang gumamit ng cotton mask o mask na gawa sa tela para hindi mahawa ng COVID-19 o iba pang sakit?
Payo ni Doktor Doktor Lads
Wala pang masyadong pag-aaral na nagpapakita na epektibo ang paggamit ng cotton masks at pwede itong gawing alternatibo sa mga medical masks na ginagamit upang maprotektahan ang isang tao mula sa sakit. Ang kailangan kasi sa medical mask, bilang isang personal protective device, dapat hindi ito mag-aabsorb ng dugo o tilamsik na nagtataglay ng bacteria o virus. Kailangan hindi tatagos ang mga infectious fluids sa mask. Kailangan maprotektahan ang balat, bibig, ilong ng isang tao kapag gumamit ito ng mask. Dahil hindi ito kadalasan nagagawa ng tela, pwede itong mabilis na kapitan ng mikrobyo. Lalo na sa hospital, hindi recommended na gamitin ito.
Dahil nagkakaubusan na ng masks, napipilitan ang iba na gumamit ng cotton mask. Kung hindi talaga maiwasan at ito lang ang tanging meron kayo, at kung wala naman kayo sa hospital o lugar na maraming COVID-19 infection, tandaan lang na huwag itong ulit-ulitin habang hindi ito nilalabhan gamit ang sabon at clorox. Ibabad sa clorox nang magdamag at patuyuin sa araw. Huwag din itong panay hawakan dahil maaring kapitan ito ng mikrobyo.
Mas epektibo ang paghuhugas ng kamay para hindi mahawa ng COVID-19. Lalo na kung nasa bahay ka lang naman at hindi ka nagtatrabaho sa hospital.
No comments: