Bleach, Mabisang Panglinis ng Gamit at Pamatay ng Coronavirus


Bleach, Mabisang Panglinis ng Gamit at Pamatay ng Coronavirus.
Payo ni Doktor Doktor Lads

Mahalaga na malinis natin ang mga gamit sa bahay upang maiwasan na mahawa tayo ng coronavirus. Siguruhin na nalilinis natin ang mga bagay na madalas nahahawakan sa ating bahay tulad ng lamesa, upuan, doorknob, switch ng ilaw, remotes, handles, desks, toilets, lababo at iba pa.

Isa sa mga mabisang panglinis ng mga gamit sa bahay ay ang bleach. Mura ito at madaling gawin. Sa isang litro ng tubig, maghalo lang ng 4 ng kutsarita ng bleach/chlorox. Ilagay ito sa spray bottle, lagyan ng label na ito ay bleach at gamitin pampunas at panglinis sa mga gamit sa bahay. Huwag ilalagay ang bleach o iba pang disinfectant na ginagamit sa bahay sa bote ng mineral water o anumang bote ng inumin. Kapag nakita kasi ito ng mga bata, aakalain na tubig ito at pwede nilang inumin. May mga pasyente na na aksidenteng nakainom ng bleach dahil nilagay ito sa lalagyanan ng tubig. Delikado ito at pwede masira at mabutas ang lalamunan at bituka.

Magsuot ng gloves kapag ipanglilinis ang bleach sa mga gamit sa bahay. Kapag mga tela ang marumi, labhan ito nang mabuti. Ingat po tayong lahat!

Please share.

Source: Centers for Disease Control and Prevention

No comments:

Powered by Blogger.