Mas maagang namamatay ang mga taong laging sobrang pagod sa trabaho at hindi na halos nagpapahinga
Alam mo ba?
Mas maagang namamatay ang mga taong laging sobrang pagod sa trabaho at hindi na halos nagpapahinga.
Ayon sa pag-aaral sa University College London sa 600,000 na empleyado at manggagawa, nakita nila na ang mga taong nagttrabaho ng 55 oras kada linggo ay mas mataas ang panganib na magkaroon ng atake sa puso at stroke. Ang mga taong nagttrabaho lamang ng 35-40 oras kada linggo ay may mas mababang panganib na magkaroon ng sakit na ito.
Ang panganib ng sakit sa puso ay mas mataas sa mga empleyado na mas mababa ang socioeconomic status. Ang posibleng dahilan nito ay ang pagtaas ng stress hormones tulad ng cortisol at epinephrine sa mga empleyado na laging pagod at puyat. Ang mga nagttrabaho ng mas matagal ay mas madalas din na mayroong unhealthy lifestyle, hindi healthy na diet at mas umiinom ng alak at naninigarilyo. Nakita din na ang mga taong laging pagod sa trabaho ay may mas mataas na blood pressure, mataas na cholesterol, mataas na blood sugar at matataba. Lahat ng ito ay risk factors sa sakit sa puso at stroke.
Marami na ang naitalang namatay dahil sa overwork sa Japan at China. Kailangan nating magtrabaho upang may maipakain sa ating pamilya ngunit huwag sana nating isantabi at pabayaan ang ating kalusugan.
O ngayon alam mo na, ishare mo naman sa iba.
by Doktor Doktor Lads
No comments: