Masama sa kalusugan ang pag-uulit ng paggamit ng mantika sa pagluluto
Alam mo ba?
Ang mga highly unsaturated cooking oils na ginagamit nang paulit-ulit sa pagluluto (kahit na kalahating oras hanggang isang oras lang na ginagamit pangluto ang mantika) ay pwedeng maglabas ng nakakalasong compound na HNE o 4-hydroxy-trans-2-nonenal.
May mga pag-aaral na nagsasabing maaaring related ang toxin na ito sa pagkakaroon ng cholesterol deposit sa ugat na pwedeng magdulot ng stroke at atake sa puso, Parkinson's disease, Alzheimer's disease at sakit sa atay.
Marami ang nag-uulit nang paggamit ng mantika sa pagpiprito ng ating pagkain. Kahit na sobrang itim at minsan marami nang dumi ay ginagamit pa din ang mantika. Hindi alam ng karamihan na hindi maganda para sa ating kalusugan ang pag-uulit ng paggamit ng mantika.
Tips sa paggamit ng mantika: limitahan lang sa isa o dalawang beses ang pag-ulit na gamitin ang mantika at itapon na ito pagkatapos, huwag sobrang dami ng mantika na gagamitin kung konti lang ang lulutuin, itago ang cooking oil sa cool and dry place, huwag sa direktang naiinitan ng araw.
O ngayon alam mo na, ishare mo naman sa iba.
by Doktor Doktor Lads
No comments: