Masamang epekto sa kalusugan kapag laging malungkot


Masamang epekto sa kalusugan kapag laging malungkot
Payo ni Doktor Doktor Lads

Bagong taon na kaya dapat iwan na natin sa 2019 ang lahat ng mga bad vibes. Narito ang ilang paalala kung bakit hindi tayo dapat maging laging malungkot. Marami kasi itong masamang naidudulot sa ating kalusugan. Okay lang maging malungkot kung panandalian lang kasi may mga times talaga na hindi ito maiiwasan, ang masama ay kapag matagal at lagi ka nalang malungkot.

1. Mas hindi ka nakakatulog nang maayos kaya lagi kang puyat at pagod.
2. Nakakasama sa kalusugan ng ating puso.
3. Mas mataas ang posibilidad na mauwi sa depresyon.
4. Mas tumataas ang blood pressure.
5. Mas mataas ang posibilidad na uminom ng alak o gumamit ng droga.
6. Nagiging makakalimutin at hindi nakakapagfocus sa ginagawa.
7. Mas mataas ang posibilidad na manigarilyo.
8. Mas humihina ang resistensya kaya nagiging lapitin ng sakit.
9. May iba na bumibigat ang timbang dahil mas napaparami ang kain para maibsan ang lungkot.

Tips para mawala ang lungkot: surround yourself with your loved ones, mga tao na nagpapasaya at tutulong sa iyo na mas maging mabuting tao, magrelax o lumabas paminsa-minsan, kumain ng masustansyang pagkain, mag-ehersisyo dahil tumutulong ito na magrelease ng happy hormones ang ating katawan, iwas sa mga negative na mga tao at syempre magdasal.

Photo Source: WebMD

No comments:

Powered by Blogger.