TAMANG PARAAN NANG PAGSUOT NG FACE MASK
TAMANG PARAAN NANG PAGSUOT NG FACE MASK
Payo ni Doktor Doktor Lads
Wag po tayong maniwala sa mga fake news na may dalawang paraan nang pag suot ng face mask. May sakit ka man o wala, laging nasa labas ang side na may kulay. Tingnan pong mabuti ang picture. Ang parte na may kulay ay fluid repellent. Nasa labas ito kasi simasangga o pinipigilan nito na kumapit o sipsipin ang fluid mula sa air droplets at ubo sa iyong face mask. This way, hindi ka mahahawa.
Tingnan po itong mabuti, kung yung puti ang ilalagay sa labas, moisture absorbent ito. Lahat ng fluids ay didikit at sisipsipin nito. Kaya dapat nasa loob ito ng mask. Ang may kulay ang nasa labas dahil repellent ito sa fluid. Basahing mabuti. Hindi namin kayo nililito, nililinaw namin sa inyo dahil maraming fake news na nanggugulo sa isipan niyo.
Kailangan din na natatakpan nang mabuti ang ilong at ang bibig. Palitan ang face mask kapag basa o madumi na. Huwag gagamitin ulit ang mga disposable face mask. Laging maghugas ng kamay pagkatapos itong hubarin. Salamat po.
Source: Center for Health Protection, Department of Health, World Health Organization
No comments: