Pwede pa rin bang magbreastfeed kung may covid-19 infection ang isang ina?


Pwede pa rin bang magbreastfeed kung may covid-19 infection ang isang ina?
by Doktor Doktor Lads

Ayon sa pag-aaral sa China, hindi nakita o nadetect ang virus na nagdudulot ng COVID-19 sa gatas ng ina na may COVID-19 infection. Hinihikayat pa din nang lahat ng bagong panganak na magbreastfeed ng kanilang mga sanggol. Ang gatas ng ina ay napakasustansya at may taglay na antibody na nagbibigay ng proteksyon sa mga sanggol laban sa sakit. Bagamat hindi pwedeng direktang sumuso ang sanggol sa ina, pwedeng gumamit ng breast pump ang ina upang makakolekta ng breastmilk. Siguruhin lang na bago kumuha ng breastmilk ay naghugas ng kamay ang ina. Pwedeng ipainom itong breastmilk na ito sa sanggol ng ibang tao na walang sakit. Kung gusto ng ina na direktang ibreastfeed pa din ang kanyang anak, pinapayo ng Centers for Disease Control and PRevention na magsuot ng facemask ang ina at maghugas ng kamay gamit ang sabon bago pasusuhin ang sanggol.

Source: Society for Maternal-Fetal Medicine

No comments:

Powered by Blogger.