Mga Benepisyo at Panganib ng Panganganak sa Bahay
Mga Benepisyo at Panganib ng Panganganak sa Bahay
Payo ni Doktor Doktor Lads
Sa lahat po nang nagbabalak ng planned home birth o panganganak sa bahay, kailangan po ay kumonsulta muna sa isang lisensyadong OBGYN doctor. Kailangan ay masabihan kayo ng doktor kung ano ang mga panganib at benepisyo ng planned home birth. Kailangan pong malaman na bagamat mas mababa ang mga maternal interventions o mga procedures na kailangang isagawa sa isang buntis kapag sa bahay nanganak kumpara sa hospital, mas mataas po ng higit sa dalawang beses ang posibilidad ng perinatal death o pagkamatay habang nangangak sa bahay. Mas mataas din po ang panganib na magkaroon ng neonatal seizure o kombulsyon ang sanggol at magkaroon ng problema sa utak. Posible ding tumaas ang posibilidad ng impeksyon sa nanay at sanggol kapag nanganak sa bahay. Mas lalaong mataas ang panganib na ito kung hindi po nakipagcoordinate ang buntis sa kanilang OBGYN doctor sa panganganak sa bahay.
Tandaan po na kulang pa ang pag-aaral para masabing ligtas ang manganak sa bahay. Ang mga datos na meron tayo tungkol dito ay mula sa mga developed countries na may integrated healthcare systems at may mga guidelines na sila sa panganganak sa bahay. Mayroon din silang communication sa pinakamalapit na hospital upang mabilis na madalas sa hospital ang buntis kung sakaling magkaproblema sa panganganak sa bahay. Hindi natin pwedeng iapply ang mga pag-aaral na ito tungkol sa safety ng panganganak sa bahay sa Pilipinas dahil sa pagkakaiba ng sitwasyon ng ating bansa sa kanila. Sa ngayon, ayon sa mga eksperto, ang panganganak sa hospital pa rin ang pinakaligtas na paraan nang panganganak.
Tandaan lang po na mayroon po tayong “No Home Birthing Policy” sa Pilipinas. Bawal nap o ang manganak sa bahay sa pamamagitan nang hilot. Kailangan po ay facility-based o sa accredited na pagamutan lang pwedeng manganak ang isang buntis. sa pagsunod dito dahil may mga komunidad na napakalayo sa hospital at ang tanging paraan lang para sa kanila na manganak ay sa pamamagitan ng tradisyunal na panganganak. Mahal din ang gastos sa panganganak kaya nagiging dahilan din ito ng iba upang hindi manganak sa hospital. Kailangan po na siguruhin ng gobyerno na abot-kaya at malapit sa mga buntis ang mga paanakan upang hindi ito maging balakid sa panganganak sa hospital.
May ilan naman na gusto talagang manganak sa bahay dahil natatakot kayo na magkaroon ng exposure sa COVID-19 sa hospital, tandaan na para mabawasan ang panganib na mamatay ang ina o magkaroon ng problema ang sanggol na ipapanganak, kailangan po na maassess kayo ng OBGYN doktor kung kayo nga ba ay pwedeng manganak sa bahay. Kailangan din po ng certified nurse-midwife, certified midwife o OBGYN doktor. Kailangan din na may access kayo sa ligtas at mabilisan na hospital kung sakaling magkaroon ng problema sa panganganak. May mga kondisyon sa pagbubuntis na hinding-hindi pwedeng ipanganak outside the hospital, ang mga sanggol na mali ang posisyon at mahihirapang ilabas sa pwerta ng nanay, ang mga sanggol sa kambal o higit pa, o ang mga buntis na nanganak dati via Cesarean section. Sa mga buntis na Cesarean delivery sa nakaraang pagbubuntis at sinubukang manganak sa bahay, maaaring magkaroon ng uterine rupture o pagkapunit at pagkasira ng bahay-bata o uterus nang babae. Hinding-hindi po pwedeng manganak ang mga nabanggit sa bahay dahil delikado po na magkaroon ng problema at manganib ang kanilang buhay kung piliin na manganak sa bahay.
Ito po ay hango sa Guidelines ng American College of Obstetrics and Gynecology on Planned Home Birth (https://www.acog.org/clinical/clinical-guidance/committee-opinion/articles/2017/04/planned-home-birth#:~:text=Specifically%2C%20they%20should%20be%20informed,neonatal%20seizures%20or%20serious%20neurologic)
No comments: