Ano Ang Mga Sintomas ng Myoma?
Ano Ang Mga Sintomas ng Myoma?
Payo mula sa Kalusugan ng Kababaihan
Layout by Airi Calara
Ang myoma ay isang benign o noncancerous na paglago o pagdamit ng smooth muscle sa uterus ng isang babae. Tandaan na hindi ito malignant na kanser. Isa itong solid tumor na binubuo ng fibrous tissue kaya madalas din itong tinatawag na fibroid tumor. Iba-iba ang laki at bilang ng myoma, madalas ay mabagal ang kanilang paglaki kaya hindi agad nagkakaroon ng sintomas ang mayroong myoma. Ang mga babaeng may myoma ngunit walang sintomas na nararamdaman ay hindi kailangan ng gamutan. Humigit kumulang 25% ng mga may myoma ay makakaranas ng sintomas nito at ito ay nangangailangan ng gamutan.
Ano ang Sintomas ng Myoma?
💮 Madami at matagal na pagreregla
💮 Pananakit at pressure sa balakang
💮 Pagtaas ng timbang at abnormal na paglaki ng tiyan
💮 Pressure na nararamdaman kapag umiihi at dumudumi
💮 Pananakit ng likod ng mga binti
💮 Nakakaranas ng sakit sa pwerta kapag nakikipagtalik
Ano ang Sanhi ng Myoma?
Hanggang ngayon ay hindi pa natutukoy ang mismong sanhi ng myoma ngunit madalas nagkakaroon ng myoma ang mga babaeng nasa reproductive age o pwede pang mabuntis. Nagkakaroon lamang ng myoma ang isang babae kapag nagsimula nang maglabas ng estrogen ang katawan nito. Mabilis na lumalaki ang myoma sa mga buntis dahil naglalabas ng extra estrogen ang katawan sa panahong ito. Kapag nagmenopause na ang isang babae, tumitigil na sa paglaki ang myoma dahil sa kawalan ng estrogen.
Pwedeng makuha pa sa pag-inom ng gamot kapag medyo maliit pa ang myoma, pwede rin ang myomectomy o tatanggalin lang ang parte na may myoma pero kung sobrang laki na kailangan na ng hysterectomy o ang pagtatanggal ng uterus sa pamamagitan ng operasyon pa din ang gamutan para sa mga may myoma na nakakaranas ng sintomas. Abangan ang aking susunod pang post tungkol sa myoma.
No comments: