Health Tips Para sa mga Hirap na Mabuntis


Health Tips Para sa mga Hirap na Mabuntis
Payo mula sa Kalusugan ng Kababaihan

1. Magkaroon ng normal na timbang. Hindi maganda na sobrang taba o sobrang payat dahil mas mahihirapan na mabuntis. 
2. Mag-ehersisyo upang magkaroon ng mas maraming muscle mass at maging malusog ang iyong katawan. Pero huwag sobra-sobrang ehersisyo dahil hindi rin ito maganda. 
3. Huwag manigarilyo dahil mas nahihirapan magbuntis at mas napapaaga ang pagmemenopause o pagkawala ng regla. 
4. Huwag makipagtalik sa iba't ibang tao lalo na kung walang gamit na proteksyon tulad ng condom. Maaaring makakuha ng sexually transmitted infections. Ito ay makakaapekto sa pagbubuntis dahil mas mahihirapan mabuntis ang mga babeng nagkaroon ng sexually transmitted infection. Mas madalas din silang nagkakaroon ng ectopic pregnancy o pagbubuntis kung saan ang sanggol ay wala sa bahay bata o uterus. Ang mga ganitong pagbubuntis ay kadalasan kailangan iabort dahil hindi ito mabubuhay at maaaring ikamatay ng nanay kapag hindi naalis ang ectopic pregnancy.
5. Kung handa nang magka-anak, huwag nang paabutin nang sobrang tanda ka na bago magbuntis. Mas mahirap magbuntis at mas delikado kapag higit sa 35 taong gulang na ang babae sa unang beses ng pagbubuntis.

No comments:

Powered by Blogger.