Gaano katagal ang normal na pagreregla?
Gaano katagal ang normal na pagreregla?
Payo mula sa Kalusugan ng Kababaihan
Ang pinakamadalas na regular na tagal ng pagreregla ay ay 3-5 araw. Ngunit ang dalawa hanggang pitong araw ay normal pa rin. Kumonsulta sa inyong doktor kung higit sa isang linggo ang pagdudugo kapag ikaw ay niregla o kapag biglaang nagbago ang regular mong regla. Lalo na kung dahil sa tagal ng regla at dami nito ay namumutla ka na. Pwede kasing magkaroon ng anemia dahil sa lakas ng pagreregla.
May mga kondisyon din na iregular ang interval ng regla. Minsan matagal na mawawalan ng regla. Kailangan ding magpacheck-up dahil baka may problema sa iyong matris at makakaapekto ito sa kakayahan mong magbuntis.
No comments: