Mga Dapat Malaman Tungkol sa Panganganak ng Cesarean Section
Mga Dapat Malaman Tungkol sa Panganganak ng Cesarean Section
Payo mula sa Kalusugan ng Kababaihan
Kung nagbabalak ka o kailangan kang isailalim sa Cesarean section sa iyong panganganak, narito ang mga kailangan mong malaman. Ligtas naman ang CS lalo na kapag lisensyadong doktor na obstetrician ang gagawa.
1. Magpahinga pagkatapos manganak ng Cesarean section. Sa unang dalawang linggo pagkapanganak, huwag ka munang magbuhat ng mga bagay na mas mabigat sa iyong baby.
2. Kung sobrang sakit, humingi ng pain medication sa iyong doktor. Magiging masakit pa rin ang operasyon kaya maaaring magbigay ng ibuprofen, paracetamol o iba pang pain medication ang iyong doktor. Karamihan naman sa mga ito ay ligtas sa sanggol kaya pwede pa ring magpasuso.
3. Linisin ng mabuti ang sugat at obserbahan kung nagkakaroon ng impeksyon. Tingnan kung ito ay namumula, mainit at nagkakaroon ng nana.
4. Bumalik sa iyong obstetrician para sa follow up check up. Kailangan niyang makita ang tahi kung may impeksyon.
No comments: