Ano ang polycystic ovary syndrome o PCOS?
Ano ang polycystic ovary syndrome o PCOS?
Payo mula sa Kalusugan ng Kababaihan
Poster by Airi Calara
Ang polycystic ovary syndrome o PCOS ay isang madalas na sakit sa endocrine system ng mga babaeng nasa reproductive age. Ang mga babaeng may PCOS ay may mas malaking matris na naglalaman ng mga maliliit na follicles na may lamang likido.
Ang iregular na pagreregla, madalang o mahaba at walang tigla na pagreregla, pagtubo ng bigote o buhok sa katawan, acne o tagyawat at obesity ay ilan lamang sa mga sintomas na makikita sa mga babaeng may PCOS. Hindi pa rin alam ang dahilan ng pagkakaroon ng PCOS. Ngunit mahalaga na malaman ito ng maaga upang mabigyan ng tamang gamutan.
Maraming maaaring maging komplikasyon ang pagkakaroon ng PCOS. Ilan sa mga ito ay ang posibilidad na magkaroon ng type 2 diabetes, high blood pressure, mataas na cholesterol, metabolic syndrome, pagkabaog o infertility, sleep apnea, depression at anxiety, pagdudugo ng puerta, endometrial cancer at gestational diabetes.
Kung nakakaranas ng mga sintomas na nabanggit, kumonsulta agad sa doktor upang maiwasan ang mga komplikasyon na dulot ng PCOS.
No comments: