Bakit Kailangang Umiwas ng mga Buntis sa Pag-inom ng Diet Softdrinks?
Bakit Kailangang Umiwas ng mga Buntis sa Pag-inom ng Diet Softdrinks?
Payo ng Kalusugan ng Kababaihan
Ang mga buntis na bumibigat ang timbang ay kadalasang nagkakaroon ng mabibigat na sanggol. Ang mga mabibigat na sanggol ay kadalasan ding lumalaki na sobrang bigat at matataba. Dahil dito mas mataas ang risk nila para sa high blood at sakit sa puso kapag lumaki sila. Kaya hindi pinapayo ang sobrang pagtaba kapag nagbubuntis. Isa sa madalas na ginagawa ng mga buntis ay ang pag-inom ng mga diet softdrink sa pag-aakalang mas mababa ang calories na makukuha mula dito.
Ngunit ayon sa pag-aaral na napublish sa JAMA Pediatrics, mas mabibigat ang sanggol ng mga buntis na umiinom ng diet softdrinks. Ang mga buntis na umiinom ng diet softdrinks ay mas bumigat ang timbang ayon sa isang pag-aaral. Hindi pa malinaw kung bakit nangyayari ang pagbigat ng timbang ngunit mainam na bawasan o iwasan ang pag-inom ng diet softdrinks habang buntis pa. Mas mainam na uminom ng tubig o unsweetened beverages habang buntis pa para hindi magkaroon ng mabigat na sanggol. Bagamat cute tingnan ang mga matatabang bata, hindi ito malusog at healthy.
Source: https://www.health.harvard.edu/blog/pregnant-women-avoid-artificially-sweetened-beverages-201605179714
No comments: