Mga Isdang Dapat Bawasan sa Pagkain ng mga Buntis


Mga Isdang Dapat Bawasan sa Pagkain ng mga Buntis
Payo mula sa Kalusugan ng Kababaihan

Ang mga isda at lamang dagat ay mainam na pinagkukunan ng mahahalagang nutrients sa ating katawan tulad ng protina, iron at zinc. Ito ay mahalaga lalo na sa kalusugan ng sanggol sa sinapupunan ng ina. Nagtataglay din ang mga isda ng omega 3 fatty acids na mahalaga para sa brain development ng sanggol.

Ngunit may ilang klase ng isda na dapat bawasan sa pagkain ng mga buntis. Ang halimbawa nito ay ang mga pating, matang dagat o tile fish, blue marlin at king mackerel. Ang mga isdang ito ay may taglay na mataas na lebel ng mercury. Ang mercury ay kemikal na maaaring maimbak sa dugo at maaaring maipasa sa sanggol sa sinapupunan. Ang mercury ay maaaring makasira ng utak at nervous system ng sanggol. Limitahan sa dalawa hanggang tatlong serving ng mga isdang nabanggit kada linggo para ligtas ang pagbubuntis.

Narito ang ilang mga isda na masustansya at ligtas kainin sng mga buntis: salmon, dilis, tawilis at sardinas.

No comments:

Powered by Blogger.