Mga Panganib Kapag Matanda na sa Unang Pagbubuntis
Mga Panganib Kapag Matanda na sa Unang Pagbubuntis
Payo mula sa Kalusugan ng Kababaihan
Poster by Airi Calara
1. Fertility issues. Habang tumatanda ang isang babae, ang kakayahan niyang mabuntis ay bumababa. Hindi na ganoon kadaling mabuntis ang isang 40 taong gulang na babae kumpara sa 30 taong gulang na babae. Kaya dapat ay maging konsiderasyon ito ng mga mag-asawa kapag nagpaplano na silang magkaroon ng anak.
2. Preeclampsia. Ito ay kondisyon kung saan nagdudulot ng mataas na blood pressure at pagkakaroon ng protina sa ihi. Maaaring magdulot ng preterm delivery ang preeclampsia lalo na kung hindi magamot. Mapanganib din ito sa buntis dahil pwedeng magdulot ng eclampsia o seizure dahil sa sobrang taas ng blood pressure. Pwede ring magdulot ng pagkasira ng atay.
3. Gestational diabetes. Nagkakaroon ng diabetes ang isang babae habang buntis ngunit nawawala din pagkatapos manganak. Kapag mas matanda ang isang babae, mas mataas ang risk na magkaroon ng gestational diabetes. Lalo na kung mabigat ang timbang nito at palakain ng hindi masusustansyang pagkain ang isang babae.
4. C-section. Habang tumatanda ang isang babae mas malaki ang chance na kailanganin ng cesarian section kapag siya ay nanganak.
5. Mas maliliit na babies. Ang mas matandang babae ay mas malaki ang chance na magkaroon ng long-term health problems sa sanggol na maaaring dahil sa kakulangan sa nutrients sa placenta ng ina.
Pero huwag matakot, maaari pa ring magbuntis ng normal lalo na kung malusog ang pangangatawan at regular ang check-up sa inyong mga OB GYNE doctor.
No comments: