Mga Sanhi ng Sobrang Lakas na Regla o Pagdudugo sa Pwerta
Mga Sanhi ng Sobrang Lakas na Regla o Pagdudugo sa Pwerta
Payo ng Kalusugan ng Kababaihan
Maraming pwedeng sanhi ng sobrang lakas ng pagreregla o pagududog sa pwerta. Mahalaga na malaman ang sanhi nito upang mabigyan ng tamang lunas.
1. Impeksyon. Pwedeng magkaroon ng impeksyon sa uterus na tinatawag na endometritis. Pwede rin na mula sa pelvic inflammatory disease. Kapag hindi ito nabigyan ng tamang antibiotics pwede itong kumalat sa ibang bahagi ng katawan.
2. Myoma. Ang mga bukol sa uterus ay pwedeng magdulot din ng pagdudugo sa pwerta. Lalo na sa mga malalaking bukol sa uterus, napipigilan nito ang pagcontract ng muscles sa uterus kaya hindi tumitigil at malakas ang pagdudugo kapag nireregla. Dahil marami ding malalaking ugat sa bukol o myoma kaya nagdudulot ng mas malakas na pagdudugo. Madalas na nagkakaroon ng myoma ang mga babaeng edad 45 pataas at matataba, may PCOS, diabetes, high blood at hindi pa nabubuntis.
3. Adenomyosis. Kumakapal ang muscular layer o muscle sa may uterus. Nagkakaroon ng diffuse enlargement o paglaki ang buong uterus. Dahil muscle din sa uterus ang apektado, nahihirapan magcontract ang uterus kapag may regla kaya lumalakas lalo ang pagreregla.
4. Polyp. May mga ugat din sa polyp. Marupok ang surface ng polyp kaya mabilis itong magasgas at magdugo.
Kumonsulta sa inyong doktor o OBGYN kung nakakaranas ng malakas na pagreregla o pagududgo sa pwerta kahit tapos ka nang magregla.
No comments: