Paano makakaiwas sa pagkahilo at pagsusuka sa unang buwan ng pagbubuntis?
Paano makakaiwas sa pagkahilo at pagsusuka sa unang buwan ng pagbubuntis?
Payo ng Kalusugan ng Kababaihan
Higit sa kalahati ng mga buntis ang nakakaranas ng pagkahilo at pagsusuka sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis. Tinatawag ito ng karamihan na morning sickness pero hindi lang sa umaga ito pwedeng maranasan. Hindi ito ibig sabihin na may problema sa pagbubuntis at hindi rin nito nasasaktan ang sanggol sa sinapupunan. Ito ay dulot ng biglaan pagtaas ng ilang mga hormones sa katawan ng isang babae dahil sa pagbubuntis. Mawawala din ito kalaunan.
Pero kung kasama ng pagsusuka ay nakakaranas ka na para kang may trangkaso, hinang-hina, sobrang dami ng iyong sinusuka at parang sumisirit na ito, hindi ka na makakain at bumabagsak ang iyong timbang, siguruhin na bumisita na sa iyong doktor upang makapagpa check up.
Para maiwasan ang hilo at pagsusuka huwag kumain nang sobrang dami, small frequent meals ang mas maganda, inumin ang mga vitamins sa pagbubuntis kapag nakakain na, iwasan ang mga maaanghang at matatabang pagkain, pwedeng kumain ng saging, kanin, sabaw, gelatin o popsicles kapag nahihilo.
No comments: