Ano ang sakit na preeclampsia? Bakit mapanganib ito sa mga buntis?


Ano ang sakit na preeclampsia? Bakit mapanganib ito sa mga buntis?
Payo ng Kalusugan ng Kababaihan

Ang preeclampsia ay sakit na nakikita sa mga buntis. Ang mga senyales at sintomas ng sakit na ito ay high blood (higit sa 140/90) sa isang babae na higit nang 20 weeks buntis at nakakaranas ng matagalang sakit ng ulo, panlalabo ng mata, may protina sa ihi, mababa ang platelets, mataas ang creatinine o mataas ang liver transaminases (mga enzymes sa atay).

Kapag hindi naagapan at magamot ang preeclampsia, pwede itong mauwi sa eclampsia kung saan makakaranas ng seizure ang buntis. Pwede rin itong mauwi sa stroke dahil sa sobrang taas na blood pressure at pagkasira nga ata at kidney ng buntis. Pwede rin itong magdulot ng panganib sa buhay ng sanggol sa sinapupunam. Pwedeng hindi ito lumaki nang tama at mauwi sa preterm birth.

Ang mga sintomas ay matinding sakit ng ulo, panlalabo ng mata, nahihilo at nasusuka, sumasakit ang tiyan, kumokonti ang ihi, namamanas at sobrang taas ng blood pressure. Kapag nakakaranas nito ang isang buntis, may mga tests na ginagawa sa prenatal check up upang malaman kung may prerclampsia ang isang buntis. Kasama dito ang pagkuha ng blood pressure, urinalysis, blood tests para sa creatinine, liver enzymes, CBC.

Ang definitive treatment upang magamotang preeclampsia ay maipanganak ang sanggol. Kadalasan bumabalik sa normal at nawawala ang sintomas ng preeclampsia kapag naipanganak na ang sanggol. Kapag husto na sa buwan ang sanggol ng isang buntis na may preeclampsia, pwede na itong ipanganak. Kadalasan nagbibigay ng gamot para masimulan ang labor ng buntis. May iba naman na pinapaanak gamit ang Cesarean section. Kapag hindi pa sapat sa buwan o preterm pa ang sanggol, nagbibigay ng gamot para makontrol ang blood pressure ng buntis, nagbibigay din ng magnesium sulfate para hindi magkaroon ng seizure, binibigyan din ng corticosteroids upang matulungan na magdevelop ang baga ng sanggol.

Mahalaga ang prenatal check up para maiwasan ang preeclampsia. Hindi lahat ay nakakaranas ng sintomas. May iba na walang sintomas pero may preeclampsia na. Kaya dapat buwanan ng prenatal check up. Kapag nagamot at nakontrol ito, mababa ang chance na manganib ang buhay ng nanay at ng sanggol.

No comments:

Powered by Blogger.