Bakit Makati ang Utong o Nipples? Delikado ba ito?
Bakit Makati ang Utong o Nipples? Delikado ba ito?
by Kalusugan ng Kababaihan
Maraming pwedeng dahilan ng pangangati ng utong. Kadalasan ay hindi ito nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng isang babae. Narito ang ilang mga posibleng dahilan ng pangangati ng utong.
1. Cold at dry weather. Kapag malamig, mabilis matuyo ang mga balat kasama na ang utong. Pwedeng maglagay ng moisturizer para hindi ito matuyo at mangati.
2. Pwedeng dahil sa sabon na ginagamit. Pwedeng matapang ang sabon at nagdudulot ito ng dermatitis sa iyong utong. Pwedeng makakita ng pamumula ng utong. Pwedeng gumamit ng hypoallergenic at unscented na sabon kung nakakaranas nito.
3. Pwedeng dahil sa eczema. Pwedeng kumonsulta sa inyong dermatologist kung nakakaranas nito.
4. Pwedeng dahil sa friction o panay nagagasgas ang utong sa iyong bra o damit.
5. Pwedeng dahil sa pagbubuntis. Nagbabago ang hormone levels sa katawan at lumalaki din ang suso kaya nababatak ang balat sa suso at utong at pwede itong magdulot ng pangangati.
6. Menopause. Nagiging dry at manipis ang balat kaya mabilis itong mairritate at nagdudulot ito ng pangangati ng utong.
7. Dahil sa pagpapasuso, pwedeng mairritate at mamaga ang utong kaya nagdudulot ito ng pangangati.
8. Breast cancer. Kapag hindi nawawala ang pangangati ng utong at nagsusugat na ito, may mga langib at parang kaliskis, pwedeng sanhi ito ng isang rare form ng breast cancer na tinatawag na Pagets disease. Lalo na kung hindi ito gumagaling sa mga gamot at pamahid na nireseta ng doktor, baka cancer na ito.
Kumonsulta sa inyong doktor kapag hindi nawawala ang pangangati sa inyong utong para masiguro na healthy kayo.
No comments: