Dahilan ng Pagdudugo ng Puerta Matapos Makipagtalik
Dahilan ng Pagdudugo ng Puerta Matapos Makipagtalik
Payo ng Kalusugan ng Kababaihan
Ang pagdudugo ng puerta matapos makipagtalik ay nangyayari lalo na kung hindi pa panahon ng regla. Madalas itong nangyayari sa mga mas bata, mga babaeng malapit na sa menopause at hindi ito agad nangangahulugan na kailangan agad kumonsulta sa doktor. Kapag nangyari ito sa matatandang babae na postmenopausal na, kailangan agad kumonsulta sa doktor.
Sa mga premenopausal women o babaeng malapit na magmenopause, ang sanhi ng pagdudugo ay mula sa cervix. Kahit na malusog ang cervix, ang friction o mild trauma kapag nakikipagtalik ay maaring magdulot ng pagdudugo. Maaari naman itong sanhi din ng sexually transmitted disease.
Narito ang ilang mga posibleng dahilan ng pagdudugo ng puerta matapos makipagtalik:
1. Pamamaga ng cervix
2. Cervical polyps
3. Nagasgas ang pwerta habang nakikipagtalik
4. Genital sores mula sa sexually transmitted infections tulad ng genital herpes o syphilis
5. Walang lubrication sa puerta
6. Nagkakaroon ng injury sa endometrium habang nakikipagtalik
7. Trauma mula sa sexual abuse
8. Vaginal atrophy
9. Vaginal dryness
10. Pamamaga ng puerta.
Para sa premenopausal na babae, ang vaginal bleeding ay maaaring senyales ng cervical cancer, sumailalim sa Pap test upang malaman kung may kinalaman ito sa cervical cancer. Para sa postmenopausal na babae, kailangan na kumonsulta agad sa doktor dahil hindi normal ang pagdudugo sa puerta ng babaeng hindi na nireregla.
No comments: