Ano ang Dahilan ng Iregular na Regla?
Ano ang Dahilan ng Iregular na Regla?
Payo mula sa Kalusugan ng Kababaihan
Marami sa mga kababaihan ang nakakaranas ng iregularidad o abnormal na interval ng kanilang regla. Ang isang normal na babae ay nagkakaroon ng regla kada 24 - 38 na araw. Pwedeng nakakaranas ka ng iregular na regla kung biglang nagbago yung interval ng iyong regla (pwedeng mas mabilis ka na reglahin o mas madalang ka reglahin), pwedeng bigla dumami o kumonti ang dugo mula sa pagreregla, o kaya naman ay pwedeng tumatagal ang period na mayroon kang regla.
May iba't ibang klaseng sakit na pwedeng magdulot ng iregularidad sa pagreregla.
Ilan dito ay ang paggamit ng intrauterine device, pagpapalit ng iyong birth control pills o oral contraceptives, sobrang pag-eehersisyo, pagkakaroon ng sakit ng polycystic ovary syndrome o PCOS, ikaw ay buntis o nagpapasuso, labis ang iyong stress na nararanasan, mayroong goiter o hyperthyroid o hypothyroid, kumakapal ang lining ng matres o mayroong polyps o di kaya ay mayroon kang uterine fibroids.
Kapag nakakaranas ng iregular na pagreregla, maaaring kumonsulta sa inyong doktor. Pwedeng pumunta sa OBGyn doctor dahil sila ang espesyalista sa mga sakit sa pagreregla.
No comments: