Pekeng Rubbing Alcohol, Pwedeng Makalason at Magdulot ng Pagkabulag
Pekeng Rubbing Alcohol, Pwedeng Makalason at Magdulot ng Pagkabulag
Payo ni Doktor Doktor Lads
PLEASE SHARE!
PAALALA sa lahat lalo na ngayon na halos lahat ay bumibili ng alcohol para panglinis ng mga kamay upang makaiwas sa lumalaganap na COVID-19 infection. Siguruhin po natin na lehitimo at hindi peke ang binibili nating alcohol. Huwag tayong bumili sa kung saan-saan lang lalo na kung wala itong label o nakarepack.
May nakalap po tayong impormasyon mula sa isang toxicologist o espesyalista sa mga epekto ng gamot o lason sa tao, na mayroong kumakalat na pekeng alcohol at nagtataglay ito ng methanol. May isang pasyente na na malubha ngayon ang kalagayan at posibleng mabulag dahil kontaminado ng methanol ang alcohol na kanyang ginagamit. Ang methanol po ay nakakalason at pwedeng magdulot ng pagkabulag kapag naaabsorb sa ating balat. Lalo itong nakakamatay kung maiinom o malulunok ito.
Para makasiguro na tama ang rubbing alcohol na ginagamit natin. Tingnan ang label ng alcohol at siguraduhin na ito ay ethyl alcohol/ethanol o isopropyl alcohol/Isopropanol. Siguruhin din na at least 70% ang alcohol na ginagamit upang maging epektibo panlaban sa mikrobyo.
Mas mainam pa rin na gumamit ng sabon at hugasan ang mga kamay dahil mabisa ito upang mapigilan ang coronavirus. Mag-ingat po tayo. Marami ang nananamantala upang pagkakitaan ang alcohol. Doble ingat po.
No comments: