COVID-19 infection, pwedeng naipapasa mula sa dumi ng mga batang positibo sa COVID-19 infection.


COVID-19 infection, pwedeng naipapasa mula sa dumi ng mga batang positibo sa COVID-19 infection.
by Doktor Doktor Lads

Mula sa pag-aaral sa 10 batang nagkaroon ng COVID-19 infection, napag-alaman sa pamamagitan ng chest X-ray na walang senyales ng pneumonia sa mga bata. Walang batang pasyente ang nangailangan ng respiratory support tulad ng oxygen o intubation at wala ding nangailangan ng intensive care.

Ngunit nalaman din na ang rectal swab o sample mula sa puwit ng mga batang pasyente ay nagpositibo sa COVID-19 kahit na wala nang virus na nadedetect sa ilong at lalamunan ng pasyente.

Dahil dito, tinitingnan ng mga eksperto ang posibilidad ng fecal to oral transmission o ang pagkalat ng virus mula sa mga bagay o pagkain na kontaminado ng dumi ng isang pasyente na may COVID-19 infection.

Muli, mahalaga na ipagpatuloy ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig. Huwag hawakan ang mukha lalo na kung madumi ang kamay.

Source: Xu, Y., Li, X., Zhu, B. et al. Characteristics of pediatric SARS-CoV-2 infection and potential evidence for persistent fecal viral shedding. Nat Med (2020). https://doi.org/10.1038/s41591-020-0817-4

No comments:

Powered by Blogger.