Pwedeng Mahawa ng COVID-19 Mula sa Paghawak ng mga Gamit o Pagkain sa Grocery o Palengke


Marami po ang nagtatanong: pwede bang mahawa ng COVID-19 mula sa paghawak sa mga pagkain o mga bagay na nabibili sa groceries o sa palengke?

Ang sagot ng mga eksperto, posible pero maaaring mababa lang ang posibilidad. Alam natin na ang pangunahing paraan na mahawa ng COVID-19 ay sa pamamagitan ng respiratory droplets. Kapag ito ay napunta sa ating bibig, ilong o mata ay pwedeng makahawa. Pero napag-alaman na rin natin na ang SARS COV 2 na virus ay pwedeng mabuhay sa mga bagay o surfaces ng hanggang tatlong araw (lalo na xa mga bagay na gawas sa plastik at stainless steel).

So madaling sabi, pwede. Kasi maaaring nandoon pa din ang virus at kapag nahawakan natin ito at ihinawak natin ang ating kamay sa ating mukha, pwede tayong mahawa. Mas mataas ang chance na mahawa kung kakaubo o kakabahing lang ng taong may COVID-19 infection sa bagay na itong hinawakan at kaagad mo itong nahawak sa iyong mukha.

So ito po ang tip natin, maghugas ng kamay bago at pagkatapos magpunta sa grocery o palengke. Magsuot ng mask at iwasan po ang paghawak sa ating mukha kapag tayo ay namamalengke. Pagkauwi sa bahay, maligo at magpalit ng damit. 
Pwedeng hugasan nang mabuti o linisin ang mga bagay o pagkain na iyong binili para makasiguro na ligtas at walang virus.

Please share. Salamat po. Stay safe!

No comments:

Powered by Blogger.