Maduming unan at kumot, pwedeng magdulot ng tigyawat
Alam mo ba?
Ang maruming higaan, kumot at unan ang isa sa mga dahilan kaya hindi nawawala ang marami mong pimples o tigyawat.
Kapag pagod tayo mula sa trabaho o sa school, madalas pagkadating sa bahay didiretso sa kama para matulog. Kadalasan hindi natin napapansin na pwedeng ang unan na ginagamit natin sa pagtulog ang maaaring sanhi ng pagdamit ng ating acne o tigyawat sa mukha. Lalo na kapag matagal nang hindi ito nalalabhan o napapalitan ng punda. Ang mga dumi mula sa unan ay maaaring mapunta sa ating mukha at magbara sa mga pores na nadudulot ng tigyawat at blemishes.
Ilang mga tips para maiwasan ang tigyawat. Laging maghugas ng mukha kada gabi bago matulog. Magpalit ng punda at unan kada linggo. Mas maganda kung mas madalas itong papalitan upang hindi dumumi at magdulot ng tigyawat sa iyong mukha.
O ngayon alam mo na, ishare mo naman sa iba.
by Doktor Doktor Lads
No comments: