Wag basta-basta uminom ng antibiotics para sa simpleng ubo, sipon o lagnat
Alam mo ba?
Hindi basta may ubo, sipon o lagnat kailangan na agad uminom ng antibiotics. Ang sipon at trangkaso ay kadalasan mula sa virus. Kaya kahit gamitan ito ng antibiotics, hindi ito makakatulong upang gumaling ka. Huwag tayo basta gagamit ng antibiotic kapag hindi ito inireseta sa atin ng mga doktor. Kapag basta-basta lang natin ginagamit ang antibiotics, magdudulot ito ng antimicrobial resistance kung saan hindi na nito magagamot at mapapatay ang mga bacteria. Dahil sa maling paggamit ng antibiotics, naeexpose ang mga bacteria sa antibiotic at nagdedevelop sila ng resistance para maging immune sa antibiotics. Kapag ipinagpatuloy natin ang maling paggamit ng antibiotics, darating ang araw na wala nang antibiotics na makapapatay ng mga simpleng impeksyon sa ating katawan.
Ngayon, alam mo na. Please share! Para sa ating lahat ito.
by Doktor Doktor Lads
No comments: