Bagyong Rolly, hihigitan ang lakas ni bagyong Quinta


Nagbabala sa publiko ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa paparating na bagyong Rolly, na mas malakas ang impact kumpara kay “Quinta”.

Ang bagyong Rolly ay inaasahang papasok sa bansa ngayong araw taglay ang lakas ng hangin na 110 kph at bugso na 135 kph.

Samantala, isa pang sama ng panahon ang papalapit sa Philippine area of responsibility na namataan sa layong 2,435km silangan ng Mindanao. May lakas naman itong 55 kph at bugso na 70 kph.

Kung papasok ito sa PAR ay tatawagin itong Siony.



No comments:

Powered by Blogger.