KIm Chiu, Binuking kung sino nga ba ang girlfriend ngayon ni Gerald Anderson?

Sa isang episode ng Its Showtime, ang host at aktres na si Kim Chiu ay naging viral matapos nitong madulas sa paghahayag na marahil ay magkarealsyon talaga sina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Nangyari ito matapos makatanggap ang Queen of the Dance floor ng isang "fun-ishment" sa kanilang segment na "Mas Testing" kung saan kailangan niyang gayahin ang 4 na larawan ng kanyang dating kasintahan na si Gerald sa kanyang Instagram account.

“Meron pa kaya diyan! Meron pang basa-basaan, jello jello. Sino pang staff ang may gusto ng 11,000? Bakit!” sabi ni Kim.

Sinabi pa niya na maaaring maging sanhi ito ng pagtatalo nila ng kanyang long time boyfriend na si Xiam Lim, ngunit wala siyang pagpipilian kundi gawin ang consequences.

“Hi Xi, kung nanunuod ka ngayon, Xi, this is just a game. Xian Lim!” sinabi ng aktres.

“Xi, alam mo naman ang totoo. Hahaha!

“Kung nanunuod ka man ngayon, ito ay sadyang katuwaan lamang.” 

Habang ini-scroll ang IG feed ng kanyang dating kasintahan, sinabi ni Kim: “’Tapos pagbukas mo rito, nandito si Julia Barretto.”

Makikita na ang iba pang mga host ay nagsimulang tumawa matapos ang isang maikling katahimikan sa studio.

“Ay, bawal ba? Hahaha! Sorry! Ay, si Bea Alonzo pala!” sabi niya matapos mapagtanto ang kanyang pagkakamali.

Last year, 2019,  isa sa pinakamalaking kontrobersya sa showbiz na kumalat sa social media matapos iulat na iniwan ni Gerald ang kanyang kasintahan sa loob ng 3 taon na si Bea Alonzo para kay Julia Barretto, isang mas batang aktres na nakasama niya sa kanyang nakaraang pelikula.

Ang dalawa ay hindi kinumpirma o dinenay ang kanilang relasyon.

Ano ang masasabi mo sa artikulong ito? Ibahagi ang iyong mga saloobin sa comment section. 

No comments:

Powered by Blogger.