Final Episode: idol Raffy kay Michelle Lhor, You're lying!


"Matutulog ka na sana sa kama, ngayon matutulog ka sa lupa." -Raffy Tulfo

Sa final episode ng Tekla Serye sa Raffy Tulfo in Action, napagtanto ni idol Raffy Tulfo na nagsisinungaling lamang sa kanya ang dating live-in partner ni Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag.

Ito ay matapos biglang umatras si Michelle na sumailalim sa follicle drug test.

Dahil dito inatras na ni idol Raffy lahat nang sana'y tulong para kay Michelle at sa pamilya nito tulad na pambayad sa bahay, groceries at pustiso para kay Michelle.

Narito ang interview: 

Idol Raffy Tulfo: Palagay ko ito na talaga ang pinaka pinale.

Idol Raffy Tulfo: Umaatras ka na daw sa hamon mo kahapon na ikaw ay magpapa drug test through the hair?

Michelle: Opo sir, kasi po pinagalitan ako ng tita ko kahapon pagkatapos ng interview.

Idol Raffy Tulfo: Ba't ka pinagalitan ng tita mo?

Michelle: Sabi po kasi nila may binat pa daw po ako, tapos wag daw po muna ipagalaw yung buhok.

Idol Raffy Tulfo: Ah ganun,Michelle, Michelle,Michelle, mukhang sinunog mo ang sarili mo sa akin.

Idol Raffy Tulfo: Paano ka mabibinat dun, hindi naman hihilain ang buhok mo.

Idol Raffy Tulfo: Kahapon kung matatandaan mo ok na sana pero ang nangyari naghamon ka sinabi mo sa amin gusto mo magpa drug test to prove to them na inosente ka.

Idol Raffy Tulfo: Ikaw ang naghamon remember? Sabi ko you don't have to pero sige pagbibigyan kita.

Idol Raffy Tulfo: Tapos ngayon umaatras ka?

Idol Raffy Tulfo: Hindi mo lang sinunog sarili mo sa akin kundi ang ginawa mo nag dive ka isang dagat na umaapoy.

Idol Raffy Tulfo: Alam mo lusot ka na sana sa akin kahapon.

Idol Raffy Tulfo: Very clear na sa akin, na meron ka talagang tinatago. You're lying.



No comments:

Powered by Blogger.