Super Tekla, Binweltahan si MIchelle Lhor

"Siya ang nananakit hindi ako" - Super Tekla

Trending ngayon sa social media ang latest interview ni Ogie Diaz kay Super Tekla, matapos mabuking na nagsisinungaling lamang ang dating live-in partner nito na si Michelle Lhor Bana-ag sa mga paratang nito sa komedyante.

Sa interview na ipinost sa Youtube channel ni Ogie Diaz unang tinanong ni Ogie si Tekla sa kung ano ang unang naging reaksyon nito ng malaman niyang sinumbong siya ni Michelle Lhor kay idol Raffy Tulfo.

Sa pagpapatuloy ng panayam, inamin ni Tekla na maraming beses siyang sinaktan ng pisikal ni Michelle sa halos buong  anim na taon nilang relasyon at mayroon siyang mga peklat upang mapatunayan ang mga ito.

Ibinahagi din ng komedyante na mayroong isang pagkakataon na siya ay sugatan at duguan matapos siyang atakihin ni Michelle at ng kapatid nito.

Inihayag din niya na maraming beses na niyang inireklamo si Michelle sa mga opisyal ng barangay.

Sinabi din ng Kapuso star na ginamit ni Michelle ang kanyang ATM card nang maraming beses at inubos ang kanyang pinagpagurang pera nang walang pahintulot sa kanya.


No comments:

Powered by Blogger.