Michelle Bana-ag, Sermon ang inabot kay Raffy Tulfo


"Kita mo yan? Kasi hamon ka ng hamon! Kung di ka sana naghamon.. Pustiso na, naging gilagid pa." -idol Raffy Tulfo


Sa final episode ng Tekla Serye sa RTIA umatras na si idol Raffy Tulfo sa pagtulong sa dating live-in partner ni Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag.

Nangyari ito matapos na biglang umatras si Michelle sa kanyang hamon na ipagpatuloy pa rin ang kanyang drug test.

Dahil dito lalong nagduda si idol Raffy dahil dito na tila may itinatago si Michelle at talagang hindi na ito dapat na tulungan.

Habang nagsasalita si idol Raffy maririnig na sumasabat at tila tinuturuan si Michelle sa kung ano ang isasagot nito kay idol Raffy. 

Dahil dun sinabi ni idol Raffy na "Ayokong maka-usap yung mataba mong kapatid. Wala siyang paki-alam dito."


"Pati mamaya ipapatokhang ko yung kapatid mo."

'Siguro lahat kayo dyan magkakapatid sama-sama nag-gu good time.'

"No, no! ang tapang mong magbigay ng hamon."

"Akala mo kasi hindi ko papatulan yung hamon mo, kasi nagka-aregluhan na kayo. Eh pinatulan ko."



No comments:

Powered by Blogger.