Super Tekla, Tatanggapin ulit si Michelle Lhor Bana-ag?

"Na mi-miss mo ba si Michelle? Pag lumapit si Michelle sa pinto mo kumatok." -Ogie Diaz

Trending ngayon sa social media ang latest interview ni Ogie Diaz kay Super Tekla, matapos mabisto na nagsisinungaling lamang ang dating live-in partner nito na si Michelle Lhor Bana-ag sa mga paratang nito sa komedyante.

Sa interview na ipinost sa Youtube channel ni Ogie Diaz unang tinanong ni Ogie si Tekla sa kung ano ang kanyang saloobin sa nangyaring ito.

Sa pagpapatuloy ng panayam, inamin ni Tekla na maraming beses siyang sinaktan ng pisikal ni Michelle sa halos buong  anim na taon nilang relasyon at mayroon siyang mga peklat upang mapatunayan ang mga ito.

Ibinahagi din ng komedyante na mayroong isang pagkakataon na siya ay sugatan at duguan matapos siyang atakihin ni Michelle at ng kapatid nito.

Inihayag din niya na maraming beses na niyang inireklamo si Michelle sa mga opisyal ng barangay.

"Pagpunta ko ng baranggay hindi ako inertertain kasi first time daw nilang maka-encounter na yung lalaki yung nagreklamo ng pambubugbog"

Sinabi din ng Kapuso star na ginamit ni Michelle ang kanyang ATM card nang maraming beses at inubos ang kanyang pinagpagurang pera nang walang pahintulot sa kanya.

Sa pagtatapos ng video tinanong ni Ogie si Tekla kung na-mi miss ba niya si Michelle at kung ano ba ang gagawin nito kung sakaling bumalik ito kay Tekla.


No comments:

Powered by Blogger.