Habang si mister nasa duty, kay misis may sumasalisi


Inireklamo at gustong ipakulong ng sekyung si Orly Balingata ang kanyang misis na si Reylyn dahil sa pakiki-apid nito. Habang nasa trabaho raw kasi si Orly ay abala naman si Reylyn sa kapitbahay nilang si Christian, hanggang sa nabuntis siya nito.

Paliwanag ni Reylyn, nagsimula lang naman sa hinala ang relasyon nila ni Christian mula nang manghiram ito sa kanya ng posporo, bagay na nilagyan ng malisya ng pamilya ni Orly. 

Tuwing nasa malayo at nakaduty si Orly sa trabaho bilang sekyu, tinutulungan at binibigyan daw ng atensyon ni Christian si Reylyn habang may community quarantine.

Sinubukang pag-ayusin ni Idol Raffy Tulfo ang mag-asawa, pero humirit si Christian na kung puwede bang siya na ang bahala kay Reylyn. Bukod dito, tatanggapin din daw niya ang mga anak ni Orly.



No comments:

Powered by Blogger.