Suspek sa Christine Angelica Dacera case lumantad
Itinanggi ng isa sa 11 suspek sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera ang mga paratang sa kanila.
Hindi raw totoong iniwan nila ang biktima, sinubukan pa raw nilang isalba si Christine at isinugod din nila ito sa ospital.
Itinanggi ang anumang papel sa krimen ng isa sa mga suspek ang panggagahasa at pagpatay sa flight attendant na si Christine Dacera.
Ayon sa ulat, sinabi ni Gregorio De Guzman na siya at ang kanyang mga kasama ay hindi iniwan si Dacera matapos na makitang walang malay sa loob ng kanyang silid.
"Walang katotohanan," sinabi ni De Guzman tungkol sa alegasyong panggagahasa.
"Paano magiging rape? Bakla po ako. Never akong nakipagtalik sa babae," dagdag niya.
Samantala sa isang conference, umapela si Sharon sa tulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paghatid ng hustisya sa pagkamatay ng kanyang anak na babae.
Nanawagan din ang ina ng biktima sa mga kaibigan ni Christine na lumitaw upang patunayan na hindi sila nagkakasala.
“Ang sa’kin lang, kung wala kang kasalanan, lumabas pa. Magpakita ka sa amin. Say the truth. Kasi how can Christine speak, wala na anak ko? You can make your own statement,” sabi niya.

No comments: