Very healthy ang anak ko, walang history ng aneurysm - Sharon Dacera


“Very healthy” at walang history ng aneurysm ang 23-year-old flight attendant na si Christine na natagpuang patay sa isang hotel sa Makati ayon sa kanyang ina na si Sharon Decera.

“Si PAL (Philippine Airlines), the company itself, hindi ka ipapa-duty kung may diperensya ka… E on duty ‘yung anak ko tapos COVID pa, kung isipin mo. So my daughter is very, very ,very much healthy,” sabi niya.

“Ang anak ko, ‘yung company where my daughter is working is hindi ‘yan siya pwede mag-duty kung may diperensya ang health so para sa akin, ang anak ko parang na-set up na talagang ginamit lang ‘yung anak ko,” sabi ng ina ng biktima.

“Ang kainosentehan ng probinsyana, tinake advantage ng kung sino mang hinayu*** na ‘yun.” 


Sa isang conference, umapela si Sharon sa tulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paghatid ng hustisya sa pagkamatay ng kanyang anak na babae.

Nanawagan din ang ina ng biktima sa mga kaibigan ni Christine na lumitaw upang patunayan na hindi sila nagkakasala.

“Ang sa’kin lang, kung wala kang kasalanan, lumabas pa. Magpakita ka sa amin. Say the truth. Kasi how can Christine speak, wala na anak ko? You can make your own statement,” sabi niya.

No comments:

Powered by Blogger.