Isang ginang ibinigay ang kanyang mga inaning gulay mula sa sariling tanim para sa community pantry sa kanilang lugar

Photo courtesy of Facebook @SK Anford Aquino


Nauuso ngayon ang tinatawag ng community pantry kung saan, ang lahat ay maaring kumuha ng grocery goods o pagkain ng ng libre at naayon sa kanyang pangangailangan. 


Isang ginang ang nag abot ng kanyang taos sa pusong pagtulong sa isina sagawang community pantry sa kanilang lugar sa Pamplona, Cagayan Valley. *



Isinagawa ang nasabing proyekto upang matugunan at maibsan kahit sa maliit na paraan lamang ang pangangailangan ng mahihirap na mamamayan sa kanilang baranggay.


Sa pangunguna ng kanilang Sangguniang Kabataan chairman, na si Anford Aquino, naiisipan niya at sampu ng kanilang SK barangay council, na mamigay ng mga libreng pagkain, grocery items at iba pang gulay  para kmunidad ng Pamplona, Cagayan Valley.


Ayon sa kwento ng SK Chairman Aquino, labis ang paghanga nya sa nasabing ginang na ito, na kusang lumapit sa kanila at nag abot ng kaniyang mga sariling aning gulay mula sa kanilang mga pananim.


Sa halip umano na kumuha ang ginang ng kanilang pangangailangan na kanyang maiuuwi sa kanyang pamilya at nakuha pa nitong magbahagi ng buong puso ang kanyang munting aning gulay.


Ayon pa sa SK chairman na siya ring uploader ng mga larawan, galing umano sa mahirap na pamilya si nanay, at mayroon pa itong maliliit na anak. *


Photo courtesy of Facebook @SK Anford Aquino


Hindi raw nagdalawang isip ang ginang na magbigay sa abot ng kaniyang makakaya at kahit kung tutuusin ay mas kailangan ng ginang ang ayuda, ay pinili nitong ang mas mabuting gawain, na magbigay sa kapwa.


“Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko, may gan’ung tao pa pala na kahit walang-wala na, magbibigay pa rin,” pahayag ni SK Chair Anford.


Kaya naman dahil dito, bilang sukli sa kabutihan ng ginang, nagbigay ang iba't ibang organisasyon nina Anford ng ilang grocery items.



Gayun din ang ilang pribadong mamamayan ay di nagdalawang tumulong sa nasabing ginang. Bumuhos ang tulong mula sa mga grocery items at maging pera na din ay nakatanggap ang ginang.


Ika nga sa isang kasabihan, mas mabuti ang nagbibigay kaysa sa tumanggap. Madalas pa nga ay kung sino pa ang mahihirap at walang wala ay sya pa ang nangunguna sa pagtulong. *


Photo courtesy of Facebook @SK Anford Aquino



Kinagiliwan at hinangaan ng mga netizens si nanay, at nagbigay sila ng kanilang paghanga at komento sa ginang.

 

"Kasi alam ng mahirap ang hirap ng buhay kaya bigay sila kasi danas nila ang kahirapan samantalang ang may kaya! pero di lahat God bless you nanay. Worth it ang kabutihan mo sa mundong ibabaw mas magandang mabuhay sa piling ng Diyos everything Will be Feel at the Lord's PALACE."


"Truly those who have little are the most generous because they know what it feels like to have nothing. This is a reminder that there’s still hope and the good will always prevail. "



"Nakakabilib. Dito mo tlaga makikita na madalas, kung sino pa yung hindi naman ganon nakakaangat masyado sa buhay, sapat lamang sa pangaraw araw nila ang kinikita pero sila parin yung nangingibabaw ang puso. Nakakainspire po mga ganitong tao. Godbless you po and your family."  *


Photo courtesy of Facebook @SK Anford Aquino


No comments:

Powered by Blogger.