Kahit sa gitna ng dagat, may ayuda! PCG, namahagi ng tulong sa mga mangingisda.
Walang pipiliing lugar ang mga magigiting na Philippine Coast Guard upang makapagbigay ng ayuda!
Nito lamang nakaraang Sabado at Linggo, Abril 24 at Abril 25 ay nagbigay ngiti sa mga labi ng mga mangingisda ang munting tulong na hatid ng mga PCG kasabay ng kanilang maritime exercise sa Bajo De Masinloc.
Philippine Coast Guard | Facebook
Bukod sa presenyang ibinibigay ng mga PCG upang mapanatag ang mga mangingisda, ramdam din ng mga ito ang pagmamalasakit ng mga Philippine Coast Guard personnels sa kanila.
Tinawag itong "BAYANIHAN SA KARAGATAN" na ginanap kasabay ng kanilang maritime exercise kung saan pinangunahan ng Task Force Pagsasanay ang mga barko ng Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR.
Philippine Coast Guard | Facebook
Philippine Coast Guard | Facebook
Isa sa pangunahin ng exerise na ito ang kasiguraduhan ng kaligtasan ng mga mangingisda sa laot pati na rin ang masigurong mayroon silang sapat na pagkain at inumin sa gitna ng kanilang pangingisda.
Minabuti rin ng mga PCG personnel na tanungin kung mayroon silang radyo para agad na makahingi ng tulong o makatanggap ng mga impormasyon ukol sa mga pinakahuling lagay ng panahon.
Philippine Coast Guard | Facebook
Philippine Coast Guard | Facebook
Kita naman sa mga komento ang lubos na paghanga at pagsaludo ng mga netizens sa ginawang pagtulong na ito ng mga PCG personnel para sa mga maralitang mangingisda.
Isa sa mga mandato ng Philippine Coast Guard ang pag taguyod sa seguridad ng ating katubigan at protektahan ang kapakanan ng ating mga kababayan na nakaasa sa karagatan upang mabigyan ng maayos na buhay ang kani-kanilang mga pamilya.
Philippine Coast Guard | Facebook
Philippine Coast Guard | Facebook
Source: Philippine Coast Guard | Facebook
No comments: