Ex-PBB housemate Fumiya Sankai pasok sa listahan ng ‘100 Respectable Japanese’
Fumiya Sankai
TODO ang pasasalamat ng dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Fumiya Sankai sa kanyang Filipino fans matapos matanggap ang pinakabago niyang achievement.
Tuwang-tuwa ang Japanese actor at vlogger na may pusong Pinoy nang malamang kabilang siya sa listahan ng “100 Respectable Japanese” ngayong taon ng Newsweek Japan.
Dito, naka-level ni Fumiya ang mga sikat at respetadong Japanese personalities kabilang na ang mga sikat na YouTubers, kabuki actors at iba pang kilalang celebrities sa Japan.
“Thank you so much. Maraming salamat. It’s like the most respectable Japanese in the world, 100. They’re Japanese but they influenced the outside world, parang ganoon,” pahayag ng dating housemate sa Bahay ni Kuya sa panayam ng Star Magic’s Inside News.
Aniya pa, “I didn’t expect that. I am so happy talaga. At the same time I really appreciate all Filipinos. Kasi if Filipinos are not supporting me, I’m not here, di ba?”
Nasa Japan pa rin ngayon si Fumiya at patuloy na gumagawa ng sarili niyang pangalan bilang vlogger. Umaasa siya na muling makakabalik sa Pilipinas kapag tapos na ang COVID-19 pandemic.
Sey ni Fumiya, miss na miss na niya ang mga kaibigan niya sa showbiz at sana’y mabigyan uli siya ng pagkakataon na makagawa ng projects kasama ang mga kapwa niya PBB housemates.
Kung matatandaan, sumikat si Fumiya sa kanyang YouTube vlog na FumiShun Base, kung saan ibinabahagi niya ang mga natututunan niya mula sa Filipino culture.
Kasunod nito, sumali na nga siya sa “Pinoy Big Brother” at pagkalabas ng Big Brother house ay nabigyan ng ilang teleserye at pelikula sa ABS-CBN.
The post Ex-PBB housemate Fumiya Sankai pasok sa listahan ng ‘100 Respectable Japanese’ appeared first on Bandera.
No comments: