Hipon Girl nasurpresa sa malaking pera galing kay Wil…

TUWANG-TUWA si Herlene Budol na mas kilala bilang “hipon girl” sa surpresang ibinigay ni Wilbert Tolentino.

Sa latest video na inupload nito sa kanyang YouTube channel, naglaro ang dalawa ng pera o kaldero kung saan isa sa sampung kalderong pagpipilian ay may lamang P100,000.

“Kuya Wil na Kuya Wil, ah. Parang kilala ko ‘to, ah. Parang nagbibigay ng jacket ‘to,” biro ni Herlene.

Sagot naman ni Momshie Wilbert, “Oo, ‘di lang jacket, 100k. Ohh, ‘di ba?”

Pinili naman ni Herlene ang kaldero na may number 8. Ayon sa kaniya, ito ang petsa ng kaarawan ng ama at naniniwala siyang swerte ito.

“Naniniwala ako sa tatay ko na nandito siya (sabay hawak sa kaldero),” saad ng dalaga.

Tinanong naman ni Momshie na kung sakaling manalo ito, saan niya gagamitin ang pera.

“Dalawa. Dalawa ang pag-gagamitan ko. Negosyo ko tsaka negosyo ng tatay ko,” sagot nito.

Balak kasi ng ama na magkaroon ng tindahan ng feeds para sa mga alagang hayop samantalang “budol shirt” naman ang negosyo ni Herlene.

Aliw na aliw ang dalaga nang makitang sunod sunod na bokya ang nabubuksan Momshie ngunit nagtaka rin nang magtagal.

“Bakit parang wala talaga ‘tong laman?” tanong niya.

Agad namang sumagot si Momsh at sinabing “Ano to, prank?”

Nagtuloy tuloy sila sa pagbubukas ng kaldero hanggang sa 6 at 8 na lang ang natitira.

Paulit-ulit naman siyang tinanong kung sigurado na siya sa pinili niya.

“P10,000 o kaldero?” Tanong ni Momshie Wilbert.

“Kaldero. Kabisado ko na ‘yan. Tataasan mo pa ‘yan,” natatawang sabi ng dalaga.

Umabot na ang offer sa P50,000.00 nang nagdalawang isip ang dalaga sa kung ano ang pipiliin.

Sa huli, pinili na ni Herlene ang pera dahil hindi pa raw siya nakakapag-panic buying.

Ngunit nang bubuksan na ang napiling kaldero, nagdalawang isip muli si Herlene at pinili ang kaldero.

Tumaas ang offer hanggang P63,000.00 at muling pinili ni Herlene ang pera.

Maya-maya nagpalit siyang muli ng desisyon at pinili ang kaldero.

Nang buksan ito, bokya ang lumabas.

Nanghinayang naman ang dalaga ngunit muling bumalik sa dati ng makita na bokya rin ang isang kaldero.

“It’s a prank! May laro man o wala,ibibgay ko talaga sa’yo ‘to.” saad naman ni Momshie Wilbert.

Aniya, tulong raw niya ito sa dalaga matapos itong mapanood sa vlog ni Toni Gonzaga.

“Ipapakita ko sa’yo kung anong mapupuntahan nito (pera na ibingay ni Wilbert),” saad ni Herlene.

Kita naman ang tuwa sa dalaga dahil sa patuloy na blessing na dumarating sa kanya.

The post Hipon Girl nasurpresa sa malaking pera galing kay Wil… appeared first on Bandera.

No comments:

Powered by Blogger.