Yorme: The Isko Damagoso Story, Isang Nakakaaliw na Musikal Na Pelikula na May Puso

Isang pelikulang puno ng pag-asa at pangarap ang Yorme: The Isko Damagoso Story. Ito ay hindi lang isang simpleng biopic ng isang tinitingalang pulitiko sa kasalukuyang panahon dahil ito ay nilahukan ng mga magagandang awitin na paniguradong tatak sa iyong puso at isipan. Mapapa LSS ka or last song syndrome sa mga dance and song number at paniguradong maiiyak sa mga may kurot sa puso na awitin.


Tila nakakainspire ang kwento ni Yorme na nakilala nating bilang Isko Moreno na kabila sa hirap na pinagdaanan sa buhay at pangungutya ng mga taong nakapaligid ay hindi tumigil na abutin ang pangarap mula sa pagiging artista hanggang maging pulitiko.


Nakakabilib ang akting na pinakita ni Mccoy De Leon bilang binatang Isko Moreno na bukod sa pagkagwapo at masarap panoorin sa big screen ay napakaamo din ng mukha at sadyang bagay para sa role ng binatang Isko at nakapagdeliver sa mga comedy scenes. Maayos din na nagampanan ni Xiam Lim ang paggaganap bilang adult Isko.

Nagmistulang reunion din ng ilan sa mga dating sikat na miyembro ng youth oriented show ni “Kuya Germs” Moreno na “That’s Entertainment”
ang Yorme. May cameo role sa Yorme sina Bryle Mondejar, Jojo Abellana, Jennifer Mendoza, Jovit Moya, Manolet Rippol, Jojo Alejar, Lovely Rivero, Keempee de Leon, Ricky Rivero, Karen Timbol, Jeffrey Santos at Maricar de Mesa.
Gumanap naman bilang parents ni Isko sina Tina Paner at Monching Gutierrez samantalang si Jestoni Alarcon ay si Daddy Wowie Roxas, ang  discoverer at talent manager ni Isko.  Malaki rin ang role ni Janno Gibbs sa musical film dahil siya ang nagbigay buhay sa karakter ng star builder na si  Kuya Germs.

So kung gusto niyong makakitan ng isang simpleng pelikula na kaaliwan at sumasalamin sa mga maralitang Pilipino manood ng Yorme: The Isko Damagoso Story

Mapapanood ang Yorme sa mga sinehan sa January 26.

 

 
 

No comments:

Powered by Blogger.