Jake, may mensahe sa mga sumusuporta sa mga politiko na tila sinasamba na ang mga ito
- May matinding komento ang aktor na si Jake Ejercito sa mga Pilipino lalo na sa mga boboto sa Halalan 2022
- May paliwanag pa nga ito na hindi lang daw sumasalamin sa mga DDS, Marcos Apologists, at Kakampinks
- Inihayag niya ito sa kanyang Twitter account bilang paalala na maging tapat sa bansa at bayan at hindi sa mga politikong sinusuportahan
Matalino at tamang-tama sa panahon ngayon ang tweet ng Kapamilya actor na si Jake Ejercito sa mga Pilipino lalong-lalo na sa magkakaiba ang tingin sa mundo ng politika.
Bilang mensahe nito at pagbibigay paalala, sinabi nitong mas mabuting maging tapat sa bansa kaysa sa mga tumatakbong politiko ang publiko.
Si Jake at marami pa niyang kasamahan sa showbiz ay kilalang Leni supporter base na rin sa kanyang post noong opisyal na campaign period para sa mga tumatakbong politiko sa national positions.
“Para kay Ellie. Para sa bansa. #KulayRosasAngBukas #AngatBuhayLahat.” caption niya habang nakasuot ng damit na may nakalagay na “Laban Leni.”
Kamakailan rin ay nagpost ito sa kanyang Twitter account ng isa pang payo na pumukaw sa atensiyon ng netizens. “Never be so loyal that you betray your country." aniya.
Nakasunod rin sa kanyang tweet ang isa pang post na may pagpapaalala sa mga DDS o Duterte diehard supporters gamit ang isang quote card na mula sa isang Facebook page.
“My tweet refers to DDS, Marcos loyalists, Dilawans, Kakampinks, etc. And yes, even Estrada loyalists. Be loyal to the country and your principles, not to politicians.” tweet ni Jake.
No comments: