Robi, may pinatatamaan? May hugot sa darating na halalan: “mag-ingat sa sabi-sabi”
- May hugot ang Kapamilya star na si Robi Domingo hinggil sa mga botante ngayong taon sa darating na halalan
- Pinayuhan niya rin ang publiko na huwag nang magpabudol at huwag rin maniwala sa mga “pangakong ginto”
- Dinetalye nito ang ilan pang katangian na dapat umanong iwasan ng nga boboto ngayong 2022
Walang atrasan nang ibinida ng Kapamilya star na si Robi Domingo ang kanyang malamang komento patungkol sa pagpili ng iboboto ngayong papalapit na ang halalan.
Pagkatapos ni Angelica Panganiban, si Robi naman ang nanghiyakat na pumili tayo ng magaling at tamang kandidato dahil dito nakasalalay ang buong bansa.
Lumahok si Robi sa isang video ng Young Public Servants, isang grupo na nangangampanya ng good governance, kung saan may tila isang game show na may pamagat na “All or Nothing.”
Tinanong ni Robi ang mga viewers ng, “Final question na 'to, uuwi kang panalo o luhaan sa loob ng anim na taon? Ang tanong! Sa pagpili ng kandidato, ano ang gagawin mo?”
Pagkatapos niyan ay nagbigay na siya ng mga pamimilian. “Letter A. Manghula? Ano 'to, eeny, meeny, miny moe? 'Wag. Sobrang deliks 'yan.
“B. Phone a Friend. Mag-ingat sa mga sabi-sabi. Dami pa namang fake news diyan.
“C. Survey Says! Hindi porket nangunguna 'raw', magaling na. Minsan, magaling lang mangbudol.
“Or D. Piliin ang sigurado at may napatunayan. May malinis na track record, palaging nandiyan, at hindi nagtatago.”
Panghuling hugot niya ay sana raw ay 'wag puro TikTok, habang maaga pa, mag-isip pa. “Sa eleksyon ngayong Mayo, hindi lang isang milyong piso ang nakataya rito. Future mo at ng buong Pilipinas ang mababago,” aniya.
No comments: