Kim Chiu, napaiyak ni Vice President Leni Robredo; Tinawag na soon-to-be President

- Sinabi ni Kim Chiu na literal na napaiyak siya ni Vice President Leni Robredo dahil sa mensahe nito para sa kanyang kaarawan

- Kumpleto na nga rin daw ang kanyang kaarawan dahil sa pabating ito ng tinaguriang 'Busy Presidente' ng ilang netizens

- Tinawag rin niya ang Presidential candidate na si VP Leni Robredo bilang 'soon-to-be President' ng Pilipinas

Ramdam na ramdam ang tuwa ng Kapamilya star at host na si Kim Chiu nang batiin siya ng Bise Presidente ng Pilipinas na walang iba kundi si Leni Robredo.

Emosyonal na ibinahagi ni Kim ang mensahe sa kanya ng vice president para sa kanyang kaarawan sa kanyang Instagram account na umani ng iba't-ibang positibong reaksiyon.

“Gusto ko lang kunin ang pagkakataon sabihin sa ‘yo how inspiring your life has been for many people including myself. Sinusubaybayan ko ‘yung journey mo at ikaw ang pinakamaganang example nang pag-defy ng lahat ng odds,” panimulang bati ni VP Leni sa aktres.

“At ‘yung kasikatan ay ginagamit para mag-influence ng iba sa kabutihan. So keep up the good work. Keep inspiring others. I wish you all the best. We wish all the luck in the world kasi you deserve it. Happy birthday!” pahayag pa nito.

Kitang-kita rin sa caption ni Kim kung paano ito napasaya ni 'madam Leni' dahil nagawa pa raw niyang mabati siya lalo na't alam niyang abala ang presidential candidate sa pagtulong sa sambayanan.

“OMG!!!!!! Literally I am crying right now!!!!! Nakaka iyak na ang isang tao na alam ko na maraming ginagawa araw araw, doing everything for the people as a Vice President of our country and a soon to be PRESIDENT. Rally dito rally doon. Debate dito, debate doon. Motorcade, house to house. Personal duties as a mother at marami pang iba,” caption nito.

Dagdag pa niya, “Grabe saludo po ako sa inyo maam and watching this video made my heart melt. Salamat po for seeing me, for sending this video, napaka personal po ng message ninyo. Maraming maraming salamat po. Truly made my birthday complete, didn’t expect this pero maraming salamat po.”

Nagpasalamat naman siya sa laban na ginagawa niya para sa ating bayan. Matagal na rin umanong inaasam ng mga Pilipino ang tapat na pamahalaan kaya naman iboboto niya si VP Leni dahil dito. 

“SALAMAT DIN PO SA LABAN NA BINIBIGAY NINYO PARA SA ATING BAYAN. Makakaasa po kayo KASAMA NYO PO AKO SA LABAN NA ITO. LABAN PARA SA ISANG GOBYERNONG TAPAT, ANGAT BUHAY ANG LAHAT.

“Matagal na naming hinihiling at inaasam ang isang TAPAT na pamahalaan, na nakaupo para sa mga tao at hindi para sa sarili. I am here behind you alongside with all the Filipinos who are hungry for HONEST AND GOOD GOVERNANCE. I am looking forward for a better, brighter, kulay rosas na bukas para sa buong PILIPINAS with you as our PRESIDENT, Maria Leonor “Leni” Gerona Robredo,” hirit pa nito.

No comments:

Powered by Blogger.