Karen, napa-thumbs up kay Robin Padilla; May pinatatamaan pero walang pangalan?
- Napa-thumbs up si Karen Davila sa pahayag ng actor-turned-politician na si Senator Robin Padilla
- Ipinahayag kasi ni Sen. Robin na titigil na siya sa paggawa ng mga pelikula at aalis na rin sa mundo ng showbiz upang bigyang pansin ang pagiging senador
- May isa pa itong tweet na tila isang pasaring sa mga 'history revisionist' na pilit iiba ang kasaysayan ngunit wala naman itong pinangalanan
Dalawang magkasunod na tweets ang ibinahagi ng kilalang ABS-CBN news anchor na si Karen Davila patungkol sa pahayag ni Sen. Robin Padilla at ang isa naman ay patungkol sa kasaysayan ng ating bansa.
Ngayong May 19, sampung araw matapos ang makatindig-balahibong Halalan, sumang-ayon si Karen Davila sa naging pahayag ni Senador Robin Padilla na titigil na ito sa paglalakbay sa mundo ng showbiz upang magpokus sa kanyang bagong trabaho na isang government official.
Sa kanyang Twitter account, nag-quote retweet ito ng tweet ng ABS-CBN News sa nasabing hakbang ni Robin bilang isang senador. Napa-thumbs up pa nga ito sa gagawin ng actor-turned-politician.
“First-time senator Robin Padilla says he is leaving the showbiz industry to focus on his work as a lawmaker,” caption ng ABS-CBN News na may kaugnay na link para sa nasabing balita.
Ani naman ni Karen, “GOOD MOVE Sen Robin Padilla (thumbs up emoji)
“Winning showbiz candidates should stop treating the senate like a bonus or just a stature post. Let us demand they do the work, show up and be active. The Filipino people deserve no less,” saad pa nito.
Samantala, tila nagpaparinig naman ito sa kanyang naunang tweet patungkol naman sa 'pagbubura' ng kasaysayan ng bansa. Hirit nito, ang maayos na gobyerno ay maari lang kapag umiikot it sa katotohanan.
“Moving forward doesn’t mean erasing our history.
“Recognizing the wrongs of the past and demanding accountability doesn’t mean you are against a united country.
A stronger democracy & better governance is only possible with TRUTH. Huwag po natin burahin ang kasaysayan,” diin ng Kapamilya news anchor.
No comments: