Ama ni Janine, tutol nga ba kay Paulo Avelino? "Yung mga love-love na yan..."
- Sinagot ni Ramon Christopher, ama ni Janine Gutierrez kung aprub o tutol siya sa rumor boyfriend ni Janine na si Paulo Avelino
- Hindi naman niya direktang sinabi kung oo o hindi ngunit aniya, masaya siya kung masaya si Janine at hindi niya papakialaman ang pag-ibig ng anak
- Simula noong magtambal sina Janine at Paulo sa Kapamilya teleserye na 'Marry Me, Marry You' ay dito na nag-start ang kanilang closeness sa isa't-isa
Hanggang ngayon ay wala pa ring kinukumpirma ang Kapamilya stars na sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino hinggil sa kanilang namumulaklak na relasyon kung sila na o hindi pa.
Madalas kasi silang nakikitang sweet sa isa't-isa sa social media o 'di kaya'y magkasama kung saan. Kaya naman mas pinag-uusapan pa ng marami kung magkarelasyon na nga ba sila o hindi.
Pagkatapos ng kanilang pag-arte sa Kapamilya teleserye na 'Marry Me, Marry You", nagsimula na silang magtambal ngayon sa kanilang pelikulang "Ngayon Kaya' na idinirek ni Prime Cruz.
Sa premiere night ng kanilang pelikula, dumalaw ang ama ni Janine na si Ramon Christopher upang suportahan ang anak.
Dito na siya tinanong ng isang manunulat kung pasado sa kanya si Paulo bilang nobyo ni Janine.
“Sila naman, they are of the right age. Kung saan sila happy, happy na rin ako," sagot naman niya.
“Hindi ko pinanghihimasukan yung mga love-love na iyan,” dagdag pa niya.
Inamin naman nitong kilala na niya si Paulo, “Kilala ko naman si Paulo. Minsan kumakain pa kami sa labas. Very nice, mabait.”
'Very proud' naman siya kay Janine ngayong sunod-sunod ang kanyang achievements lalo na noong ito'y maging isang Kapamilya.
“Very proud, yung mga pinaghirapan niya, yung dedication niya sa trabaho… Magaling, seryoso kasi talaga si Janine pagdating sa trabaho,” saad ni Ramon.
Pero kung sa payo naman niya ang pag-uusapan, sinabing hindi na ito kailangan ni Janine dahil mas magaling na ito sa kanya.
“Payo? Mas magaling na sila sa akin, hindi na siguro nila kailangan ng payo. Siguro sa payo, alam na nila what’s best to be done," pagbabahagi pa niya.
No comments: